Category Archive for: ibang boses

plagiarism and karen davila

i say plagiarism, at the very least, is a shameful display of one’s inability to write. and think. my nanay speaks:

while it was great that upon cory’s death pinoy tv was swamped with docus that revisited her exalted place in philippine history, one docu, Laban ni Cory,  produced and aired many times by ABS-CBN 2 from august 2 onward, raised my ire and my eyebrows.

my ire because some of karen davila’s narrative spiels covering the period of the snap elections through to EDSA sounded oh so familiar, so very close to, if not my very own words in, Himagsikan sa EDSA — Walang Himala! and yet there was no attribution, as though karen davila herself researched and wrote the stuff (wow ang galing), something that took me all of twelve years, lol.

I
KAREN DAVILA:

(010) Sa paniniwalang sila ang tunay na nanalo sa eleksiyon, isang victory rally ang inilunsad sa Luneta nina Cory at Doy, na dinumog naman ng mahigit isang milyong tao.

(013) At bilang tugon sa malawakang dayaan sa eleksiyon, inilunsd nina Cory Aquino at Doy Laurel ang civil disobedience campaign, Himinok ang taong bayan na huwag magbayad ng koryente, tubig, at iboykot ang media, bangko at iba pang kompanyang pagaari ng mga tuta ni Marcos. Marami ang sumangayon at sumunod sa panawagang ito. Wala pang isang linggo mula nang unang manawagan ng boycott si Cory nameligro ang ekonomiya ng bansa at nataranta ang mga negosyante.

HIMAGSIKAN SA EDSA–Walang Himala! page 40 last paragraph

Ika-16 ng Pebrero, sa isang “victory rally” sa Luneta na dinumog ng mahigit isang milyong tao, inilunsad nina Cory Aquino at Doy Laurel ang kanilang civil disobedience campaign. Nagpilit si Cory na siya ang nagwagi sa eleksiyon at nangakong pupuwersahin niya si Marcos na magbitiw, sabay hinimok ang taong-bayan na sabayan siya sa pagsuway sa mga utos ng diktador — huwag magbayad ng koryente at tubig, iboykot ang crony media at crony banks, gayon din ang Rustan’s Department Store, San Miguel Corporation, at iba pang kompanyang pag-aari ng mga tuta at katoto ni Marcos.

page 42 paragraph 2

Wala pang isang linggo mula nang unang manawagan ng boykot si Cory…

page 41 paragraph 1

Nataranta ang malalaking negosyante, gayon din ang multinationals …

II

DAVILA:

(022) Kakaiba na noon ang ihip ng hangin. Palaban na ang taong bayan, sabik sa pagbabago at may natatanaw nang pagasa, salamat sa biyuda ng isang tao …

HIMAGSIKAN page 42 last paragraph

Salamat sa biyuda ni Ninoy, kakaibana noon ang ihip ng hangin. Mapanghimagsik na ang timpla ng taong-bayan, punong-puno bigla ng pag-asa, sabik sa mga naamoy na pagbabago, noong bisperas ng EDSA.

III

DAVILA

(063) Naghudyat si Ver ng all out attack sa riot police, sa marine artillery, sa mga helicopter gunship, at mga jet bomber.

(067) Naririnig din si Marcos sa radyo. Isinusumpang lilipulin ang mga rebelde.

HIMAGSIKAN page 135 paragraph 2

Sa Fort Bonifacio, naghudyat sina Ver at Ramas ng all-out attack sa riot police, sa Marine artillery, sa mga helicopter gunship, at sa mga jet bomber. Naririnig si Marcos sa radyo, isinusumpang lilipulin ang mga rebelde.

IV

DAVILA

(070) Pumosisyon ang mga sundalo at nagkasahan ng mga baril. Subalit walang atakeng nangyari. Lumapag ang mga chopper sa Crame. Isa-isang lumabas ang mga pilot, may hawak na mga puting bandila at naglalaban sign.

HIMAGSIKAN page 138 paragraph 4

Napakagat ng labi ang mga sundalo, nagkasahan ng mga baril, pumosisyon.

page 139 from last paragraph page 138

Isa-isang lumalabas ang mga piloto, may hawak na mga puting bandila at nagla-Laban sign.

V

DAVILA

(076) Ala singko ng hapon, sa kabila ng banta sa kanyang seguridad sumaglit sa EDSA si Cory …

(081) Sa main entrance ng Philippine Overseas Amployment agency o POEA building nagbigay siya ng maikling talumpati sa mga taong nagtipon sa kantong iyon ng Ortigas at EDSA. Pinuri ni Cory ang mapayapang pagkilos ng mga tao…

HIMAGSIKAN page 165 paragraph 1

Bandang 5:00 ng hapon, nagpakita sa wakas sa EDSA/Ortigas si Cory Aquino, na Sabado pa ay hinahanap na ng mga Coryista. Sa main entrance ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) building, sa kanto ng EDSA at Ortigas, siya dumaan kasama ang kanyang pamilya at mga tagapagtaguyod.

paragraph 5

Sa kanyang talumpati sa mga taong nagtipon sa kantong iyon ng Ortigas at EDSA, pinuri ni Cory ang mapayapang pagkilos ng mga tao …

the docu’s closing credits list the writers and researchers.   i expect the researchers cited their sources of info, it’s part of the job, and  if so, who decided not to mention na lang these sources, the writers or the hosts?   na okay lang naman as long as magaling sila and they can write the material in their own words.   but even then, dapat ay mayroon pa ring acknowledgement sa dulo ang sources of information na hindi pa common knowledge.

kung hindi pala sila ganoong kagaling, dapat ay inamin nila by writing-in “ayon kay…  sa librong so-and-so….”    or maybe it was karen davila who couldn’t be bothered with “ayon sa’s”, akala niya ay makakalusot?   whatever, whoever, wittingly or un-, she committed plagiarism by lifting and appropriating my words for her own use without a by-your-leave or a thank-you,  how unprofessional, how dishonest, how disgraceful.

nakakataas ng kilay kasi it doesn’t take much time and effort to cite and acknowledge sources.   unless of course the idea is to give the impression that hosts and writers of ABS-CBN News & Current Affairs productions are all-knowing and sufficient unto themselves?

so, okay, now that i’ve vented, what next?    what do i expect?   well.   iniisip ko nga.   an apology?   too easy to shed crocodile tears.   credits on the docu?   rather too late, unless of course they have plans of selling dvds, in which case, okay, credits, and a share in the profits?

suggests a writer friend:  like a lawyer can be disbarred, a beauty queen forced to abdicate, ask for the head of the plagiarist in the form of dismissal or suspension.   or how about punishing the culprit by having her write a million times in longhand a very long mea culpa — the equivalent of 20 years of keyboarding chores or tendonitis.   oscar lopez could also buy the next edition of your book to give away to all libraries nationwide.

sounds good, all of the above ;)

hindi ko mapigilang magkomento sa ilang mga naging pahayag hinggil sa note na ito.

una, sa pamantayan ng ‘preferable’ o hindi, totoo namang mas maganda sana kung hindi “umatras” si nicole at ang kanyang pamilya. kung hindi sana sila napagod at nagtuloy-tuloy na lang sa laban. sa anumang punto de bista — bilang kapwa babae, bilang kapwa Pilipino, o kahit pa bilang biktima — walang puwedeng magkaila na mas maganda at kaayaaya sa mata ng publiko kung hindi inexecute ni nicole yung huli niyang affidavit.

pero sa punto ng tama o mali — iyang moralistikong pagwawasiwas na iyan ng kaugnay ng pamantayang duwag ba o matapang, makasarili ba o selfless, kahiya-hiya ba o marangal — hindi dapat diyan hilahin ang usaping ito.

simple lang ang dahilan: hindi tayo si nicole, hindi tayo ang babaeng kailangang humarap sa alimura o ambivalence ng publiko, hindi tayo ang biktimang pinay na kinakalaban ang isang rapist na protektado kapwa ng gobyerno ng US at ng pilipinas.

pangalawa, kung sumuko man ngayon si nicole, ibig bang sabihin hindi na siya ni-rape? kung uuriratin ang bagong affidavit niya, wala siyang sinabing hindi siya ni-rape. ang sinabi niya ay hindi siya sigurado kung may rape na nangyari. sabi niya baka raw kasalanan niya, baka raw may ginawa o sinabi siya na naging dahilan para maging “intimate” sila ni smith.

wala ni isa man dun sa recent niyang affidavit ang nagsasaad na binabawi niya ang mga sirkumstansya ng rape sa subic noong nov 1, 2005 : binuhat palabas ni smith ang isang halos unconscious na si nicole mula sa neptune bar na parang baboy; ni-rape habang nasa loob ng umaandar na starex van; pagkatapos ay itinapon sa gilid ng daan sa may alava pier na nakababa pa ang pantalon at may nakadikit na gamit na condom. walang bumabawi sa ganitong mga paglalarawan at pagpapatotoong may nangyaring rape. ni-rape si nicole noong 2005 sa subic. at si daniel smith ang nang-rape sa kanya.

malinaw ang sinasabi ng batas at ang desisyon ng makati regional trial court sa verdict nito kay smith: sinamantala ni smith ang ganung state ni nicole. pinatunayan ng physical at circumstancial evidences na ni-rape ni smith si nicole.

o baka naman pati ito kinalimutan na ng ilan para lang sumakto sa iskema ng pagkastigo kay nicole?

huling punto na lang: para maunawaan si nicole at ang naging desisyon niya nitong huli, kailangang unawain kung ano ang rape at ano ang nangyayari sa mga babaeng biktima ng rape, lalo na iyong mga katulad ni nicole na ang nanggahasa ay sundalo ng pinakamakapangyarihang imperyalistang bansa sa daigdig na hawak sa leeg ang pinakatutang gobyerno sa asya.

mas mainam na gawin ito, kaysa magwasiwas ng kung anu-anong moralistikong retorika para manisi ng isang biktima ng rape.