no money for books?

napadaan kami kahapon sa Academic Book Fair sa SM Megamall, na usually naman ay mas boring talaga – at mas mahal – kaysa sa annual Mega Book Fair na ginagawa sa far away venue na World Trade Center. parang ang market kase ng ABF ay mga libraries ng eskuwelahan na ideally ay may budget para gumastos ng libo-libo for local and imported sets of encycolopedias, journal subscriptions, and “new releases” ng mga university presses. may discount pa rin naman, na siguro’y lumalaki pang lalo kapag maramihan ang bili.

itong “new releases” ang dinayo ko dun. dahil alam kong may centennial books na ilo-launch ang U.P. Press in relation to the centennial celebrations of the University. at sa ganang gumastos na rin lang ng limpak-limpak ang admin sa mga concert at commemorative products, aba, mataas ang expectation ko na ginastusan rin nila ng limpak-limpak ang mga libro.

but no, ang unang installment ng mga librong itinuturing nilang “the most excellent of the excellent”, ay mga librong matagal ko nang nakikita sa kanilang bookstore shelves. hindi ito “new releases” kungdi old releases, na binibigyan ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagtaguri sa kanilang “Centennial Publications”.

wala naman akong issue sa usapin ng mga lumang libro. ang librong Ang Bagong Lumipas (translation ng A Past Revisted) ni Renato Constantino, na bahagi ng Centennial Publications, ay hindi nawawalan ng bisa. at maraming librong katulad nito.

ngunit subalit datapwat! anubanamang mag-isip ng iisang theme para sa mga cover ng mga librong ibebenta sa atin bilang “landmark collection”? anubanamang i-package ng mas maganda ang mga libro, magpanggap man lang na may budget na inilaan para sa mga manunulat at librong itinuturing ng Unibersidad na kumakatawan sa kanyang isang-daang taon bilang State U? at the very least, pampalubag-loob na ito sa mga “National Scientists, National Artists, and respected scholars” na ipinagmamalaki ng Unibersidad sa pamamagitan ng pagturing sa kanilangmga akda bilang Centennial Publications.

instead of any of the above, what did the press do for this first installment of “classic” releases to pay tribute to its scholars, and its readers as well?

nilagyan nila ng sticker ang cover ng mga libro, kung saan nakasulat ang “U.P. Press Centennial Publications”. isang 2″ by 1.5″ sticker in a color that’s barely gold bilang tatak ng pagpaparangal.

it’s just one step above using a stamp and purple ink.

unless soooobrang bongga ng susunod na installment ng mga libro, and that is not just in terms of really new releases but in terms of the authors they’ll publish and the relevance of these books, then this Roman administration will just prove itself uncaring of books, scholarship, and culture altogether.

at please, wag na nilang iwagayway ang kanilang nga concerts at commemorative books bilang proof of their love for culture. the former is really just a show of Filipiniana attire (in fairness, hindi nag-uulit si Roman ng outfit ha), and the latter, an excuse for propaganda for one U.P. admin to the next cloaked by historicism and scholarship. ang literary contest, tinipid pa, at walang runner-up prizes. anuba.

ok lang sana kung ang moda ng admin ng U.P. ay pagtitipid sa panahon ng krisis at sentenaryo. but no. kumusta naman ang P5 million para sa Centennial Notes! sa konteksto ng lalabing-isang naka-bracket 1 sa STFAP, ay, kahindik-hindik! kahiya-hiya.

The Breakdown of the P150 Million Budget for the U.P. Centennial Celebrations

Item                                Amount in Millions (P)

1. Centennial Lectures = P 13
2. Tri Media Projection = 12
3. Centennial Concert = 5
4. Centennial Notes = 5
5. Centennial Awards = 2
6. Centennial Literary Contest = 2
7. Audio Visual Presentation = 2
8. History Project = 1.4
9. Coffee Table Book = 1.5
10. Digital Film Making Contest = .7
11. Centennial Music Video = .7
12. Centennial Address Book = .5
13. Centennial Glass Plates =  .5
14. Centennial Song Contest = .4
15. Centennial Newsletter = .3
16. Events Poster = .15
17. Capital Outlay Projects =  5
18. Administrative Expenses = 5
19. Honoraria =  1.5
20. Centennial Commission
a. Operations =  1
b. Travel = 2.5
c. Contingencies = 10

Total: P147.15 milyon

*Inaprubahan sa Pulong ng UP Board of Regents September 28, 2008, UP Los Baños.

 

Comments

  • ina

    yes, i double-checked pa the document that manay sent. 10M for contingencies. ano kayang mga contingent expenses ito ‘no? baka ang mga terno ni roman. charot.