my friend Bebang Siy has experienced first hand the kind of oppressive treatment of writers over at Psicom Publishing. now it’s rare that writers speak the truth about publishing houses and contests, even as this might save other (younger naive) writers from being treated badly, too. so here, the first of the many issues i know writers have against Psicom.
Mula kay Bebang Siy:
Kailangan pong magtulong-tulong ng mga manunulat ngayon. Ito ay para hindi ma-exploit ang mga writer na sasali sa isang writing contest.
Papayag ka ba na manalo, matalo, property na ng nagpakontes ang akda mo?
Kung hindi, sabihin kung bakit. Puntahan ang Psicom Publishing facebook page, ngayon na!
Gawin natin ang lahat para ma-warning-an ang lahat ng sasali sa nasabing contest.
HETO ANG KOPYA NG RULE na KONTROBERSIYAL:
15. Deadline for submission of entries through e-mail will be on the eve of March 31, 2012. All entries will become the property of PSICOM Publishing Inc. and may be used for future publications.
Sadya lang may iba’t ibang anyo at malikhaing paraan ng pangangamkam!
UPDATE
Wennielyn Fajilan
APILA SA PSICOM AT SA MGA SASALI SA SOPAS MUNA CONTEST:
Isa ako anim na manunulat ng SOPAS MUNA Book 1. Alam naming wala kaming royalty matapos bayaran ng isang beses. Pero nakita naman na hanggang ngayon, nagagamit ng PSICOM ang pamagat at book concept ng aklat na pinag-isipan ng grupo namin. Ngayon na patuloy na ginagamit ng PSICOM ang serye ng aklat na ito at pinapakontes pa ang mga lahok (ibig sabihin maaaring magkaroon ng SOPAS 3, 4, hanggang 45 and beyond!).Umaaapila kami na igalang sana ang karapatan ng mga susunod na kontribyutor lalo na ng mga batang manunulat na tulad namin walang pinangarap kundi makita ang by-line sa papel. Pero, pagkatapos ng 4 na taon at buhay pa ang ideyang sa amin nagmula, palagay ko, respeto sana na mas respetuhin ang usapin ng copyright-ang karapatan ng mga manunulat.Maliwanag pa sa buwan na kumita at kumikita ang PSICOM sa ideyang ito. Wala na kaming magagawa. Pero ang mga sasasali pa, sana mas mag-isip kayo.